Official Statement
STO. NIÑO PAROCHIAL SCHOOL
Bago Bantay, Quezon City
OPISYAL NA PAHAYAG
Nais ipahayag ng Sto. Niño Parochial School na walang katotohanan ang mga balita tungkol sa aming paaralan na kumakalat sa social at news media.
• Una, ang pagpapatigil ng “welcome remarks” ni Krisel Mallari, Salutatorian, ay dahil binago niya ang isinumite niyang “welcome remarks” sa araw at oras ng kanyang pagsasalita. Panuntunan ng paaralan na lahat ng talumpati ay kailangang aprubahan ng paaralan. Sinabihan si Krisel Mallari na kapag ito’y kanyang nilabag, hindi siya papayagan sa kanyang talumpati.
• Ikalawa, ang laman ng kanyang talumpati o “welcome speech” ay hindi angkop bilang “welcome speech” kungdi paninira sa kanyang kapwa mag-aaral na Valedictorian, na ito raw ay nandaya at pinayagan ng paaralan. Ipinakita na ng paaralan sa kanyang ama na si G.Ernesto Mallari ang mga grado ng kanyang anak at ang computation nito sa bawat asignatura. Ngunit ang gusto n’ya raw makuha ay ang grado ng Valedictorian. Ito ay labag sa policy ng paaralan lalo na kung walang pahintulot ng magulang nito.
• Halos araw-araw nitong nakalipas na Linggo ay hina-harass ni G. Ernesto Mallari ang mga guro. Ang isa ay sinigawan niya, ang ilan ay pinilit niyang pumirma sa papel na dala nito. Ang Grading System ng paaralan ay computerize at hindi maaaring galawin o baguhin.
• Ikatlo, sa mga nakalipas na taon, tuwing matatapos ang school year ay mayroong complaints si G. Mallari Laging ipinapaliwanag at kinakausap sila ng paaralan tungkol dito. Dumadalo at tinatanggap naman nila ang mga awards tuwing Recognition Program. Sa pagpasok ng bagong school year ay inii-enroll pa rin nila ang kanilang anak.
Patuloy naming ituturo ang tama at totoo. Ang mabuti at makatarungan ayon sa turo ng Aming Patron na Sto. Niño kahit na may mga pagkakataon na hindi kami laging matagumpay sa aming mga nagsipagtapos. Nakikiisa ang aming paaralan ngayong Kuwaresma sa paghihirap at pagkapako ng Panginoon sa Krus dahil sa maling bintang.
Pamunuan, Mga Guro at Kawani ng
Sto. Niño Parochial School
Source: Facebook SNPS
What do you think? Does this justify their actions from preventing Krisel Mallari from continuing her speech or remarks? Post your comments.
No comments:
Post a Comment