Showing posts with label State of the Nation. Show all posts
Showing posts with label State of the Nation. Show all posts

Wednesday, October 21, 2015

Watch: Analysis ni Ms. Jessica Soho Tungkol sa AlDub

 
Bakit pumatok ang tambalang AlDub?

Iyan ang siguradong itinatanong ngayon ng maraming eksperto—mga social scientist, mga PR practitioner, mga brand manager, ang media, at higit lalo na ang mga eksperto sa pop culture at social media. Phenomenon ang turing dito ngayon na nilikha sa pagsasanib-puwersa ng dalawang uri ng media: ang telebisyon at ang social media. Ang mga dating nakasanayan o iyung tinatawag nilang templates, tila napalitan na ng tinatawag nilang out-of-the-box thinking.


Ang KalyeSerye ng Eat Bulaga kung saan ito tampok, ni walang script. Ni wala ring dialogue ang isa sa mga bida nito—si Yaya Dub—Dubsmash lang. Ang pagkakadiskubre sa kaniya, hindi naayon sa formula na nakasanayan sa showbiz. Simple ang istorya pero kaabang-abang lalo't live itong gumugulong. May nagmamahalan, may humahadlang. Hindi bago pero patok dahil sa kilig factor. Simpleng kaligayahan o good vibes ang hatid sa mga manonood na naghahanap ng kaunting ginhawa at aliw.

Watch:  Analysis ni Ms. Jessica Soho Tungkol sa AlDub

(please wait for the video to load)


Sa tamang panahon
SA TAMANG PANAHON#PostScript ng State of the Nation with Jessica SohoOctober 2, 2015 Bakit pumatok ang tambalang AlDub? Iyan ang siguradong itinatanong ngayon ng maraming eksperto—mga social scientist, mga PR practitioner, mga brand manager, ang media, at higit lalo na ang mga eksperto sa pop culture at social media. Phenomenon ang turing dito ngayon na nilikha sa pagsasanib-puwersa ng dalawang uri ng media: ang telebisyon at ang social media. Ang mga dating nakasanayan o iyung tinatawag nilang templates, tila napalitan na ng tinatawag nilang out-of-the-box thinking. Ang KalyeSerye ng Eat Bulaga kung saan ito tampok, ni walang script. Ni wala ring dialogue ang isa sa mga bida nito—si Yaya Dub—Dubsmash lang. Ang pagkakadiskubre sa kaniya, hindi naayon sa formula na nakasanayan sa showbiz. Simple ang istorya pero kaabang-abang lalo't live itong gumugulong. May nagmamahalan, may humahadlang. Hindi bago pero patok dahil sa kilig factor. Simpleng kaligayahan o good vibes ang hatid sa mga manonood na naghahanap ng kaunting ginhawa at aliw. Sa kabilang banda, may mga bumabatikos. Sana raw, sa mas may katuturan daw na mga bagay itinutuon ang atensiyon ng bayan. Si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, nagsabi na sana raw mapansin din ng publiko—katulad din ng pagtutok nila sa AlDub—ang kinakailangang mga reporma sa ating hudikatura. Sa isa pang banda, meron ding mga nagsabing huwag naman daw menosin ang panlasa ng mga sumusubaybay sa AlDub. Walang basagan ng trip, 'ika nga. Anupaman, sa pagpatok ng AlDub, maraming palaisipang nabuksan. May mga napapakamot ng ulo ngayon sa kung ano ang trending o uso sa bagong henerasyon o ang tinatawag na millenials at sa kapangyarihang taglay nila dahil na rin sa bagong teknolohiya, bagama't tila nakakasunod o nakakasakay din maging ang mga nakatatanda. Napatunayan ding muli na tayong mga Pinoy, madaling mayakag at masayahin din. Isa pang hindi maikakaila—maganda ang timing ng bagong tinututukan ngayon. 'Ika nga nila—nasa tamang panahon.
Posted by Jessica Soho on Friday, October 2, 2015


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...