Sunday, August 9, 2015

Alden Richards On Dating Yaya Dub (Maine Mendoza)

In a recent report from GMANews.tv Alden Richards said that he is not closing doors on dating Maine Mendoza or popularly known as Yaya Dub.  Full transcript of the interview below.


Hindi maikaila ng Kapuso actor na si Alden Richards ang malaking pagbabago na nagawa sa kanya ng "KalyeSerye" ng AlDub sa longest-running noontime show na "Eat Bulaga."

Sabi niya, “Sobrang lakas po ng pick-up ng social media following. In over three weeks, I gained a lot of following po na parang expected ko pa po siya na a little more over a year or two pa po."

“And then sa labas, iba na rin po, mas naging intense. Mas naging intense yung pagtanggap ng mga tao sa akin when I do mall shows, out-of-towns, go to the mall or gym."

“Kasi, parang yung market na na-tap po, from kids all the way to the working class po, pati lalaki. Nakakagulat po, pati lalaki, na-hook sa tandem or sa loveteam na yun.”

Dagdag pa ni Alden: “Nagugulat po ako, especially yung mga ganitong pangyayari, it will take time po para ma-reach ko po kung nasaan man ako ngayon."

“Lahat po, nag-unravel na mabilis, ‘eto agad. As of this moment, ito ba talaga, ako na ba ‘to?"

“Nagti-trending yung loveteam every day sa Twitter, dumarami ang following, ang daming nagka-clamor na mga fans, lahat po talaga hindi ko pa ma-digest.”

Open to possibilities

Sa isang banda, may mga aktres palang natatakot na raw makipagpareha sa kanya dahil nga sa intensidad ng following ng AlDub, gaya halimbawa ng dati niyang ka-loveteam na si Louise delos Reyes.

Hindi kaya yung pagkakaroon ng girlfriend ay mas lalong magiging mahirap para sa kanya ngayon?

Natatawang sabi ni Alden, “I’m just enjoying the moment as of now. Everything’s in place.

Puwede rin namang si Yaya Dub na nga ang ligawan niya?

“Ako po, I’m not closing any doors to anything. I’m open for any possibilities. Ever since naman po, I’m telling myself, whatever comes, yun yun, e. If it’s for you, it’s for you.”

Sabi pa ni Alden, “Maganda si Yaya Dub.”

Hindi naman nawawala ang ilang nang-iintriga at naninira at nagsasabing ang totoo naman daw, nagkita na sila ni Yaya Dub at pinapalabas lang na hindi pa.

Pero sabi ni Alden, “Ganun naman po talaga, kung merong something hot diyan, hahanap sila ng paraan para patayin yung apoy."

“Kami po, talagang kung ano ang totoo, kung ano ang factual sa amin, kung ano yung truth, yun lang naman po talaga ang lumalabas. If ever man po na may tsismis na nagkita kami, nag-communicate, wala po talaga.”

— Pep.Ph

Source: GMANews.TV

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...